Suportado ni House Committee on Dangerous Drugs Chairman Ace Barbers ang pagbabalik ng Philippine National Police o PNP sa kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan.
Ayon kay Barbers, bagama’t alinsunod sa batas, Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang dapat manguna sa paglaban sa droga ay kailangan pa rin nito ang back up o suporta mula sa PNP.
Paliwanag ni Barbers, nakakaabot ang PNP sa barangay level habang limitado lamang ang resources ng PDEA.
Kasabay nito, pinayuhan ni Barbers si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na tiyaking walang pag-abuso at malalabag na karapatang pantao sa pagbabalik ng Pambansang Pulisya sa war on drugs.
(Ulat ni Jill Resontoc)