Kasunod ng kumpirmasyon ng actress-model na si Barbie Imperial na tatlong buwan na silang hiwalay ng aktor na si Diego Loyzaga, kaniyang inamin na siya ay umasa na babalikan pa ng kaniyang ex-boyfriend.
Ayon kay Barbie, naniniwala siya na maa-ayos pa nila ang kanilang relasyon ni Diego kung saan, mas pinili nilang maging tahimik sa kabila ng mga usap-usapan sa social media hinggil sa kanilang relationship status.
Dagdag pa ni Barbie na hindi siya nagsalita at kaniyang kinimkim ang mga kumakalat na isyu noon, dahil ayaw niyang masaktan pati ang kaniyang magulang.
Sinabi ni Barbie na saka niya lang ito sinabi sa kaniyang ina nang malaman niyang wala nang pagasa ang kanilang relasyon ni Diego.
Iginiit ng aktres na siya ay naka-move on na at nanatili silang magkaibigan ni Diego. —sa panulat ni Angelica Doctolero