Nagsalita na ang aktres na si Barbie Imperial tungkol sa issue nila ng VIVAMAX Artist na si Debbie Garcia.
Ito’y matapos niyang sugurin sa isang bar sa Quezon City noong Nobyembre.
Inamin ni Barbie sa isang panayam na wala pa siyang natatanggap na subpoena matapos itong kasuhan ni Debbie ng physical injuries.
Isiniwalat pa ni Babrie na na-provoke siyang sugurin si Debbie dahil sa paulit-ulit na pagkakamali na nagawa nito.
Sa ngayon, wala pa ring reaksyon ang kampo ni Debbie hinggil sa issue. —sa panulat ni Jenn Patrolla