Pinagsisisihan ni Kapamilya actress Barbie Imperial ang pagtatanggol sa ex-boyfriend na si Diego Loyzaga kaugnay sa cheating accusations na ibinabato sa aktor noong sila pa.
Sa kanyang seafood mukbang plus reading mean comments vlog, sinagot ni Barbie ang kumento na nagsabing “Ipinagtatanggol mo pa jowa mo noon, maghihiwalay din pala kayo.”
Bagama’t hindi pinangalanan ng aktres, matatandaang inulan ng spekulasyon si Diego noong nakaraang taon matapos akusahan ni Xian Gaza, isang media personality, ng pagbisita sa bahay ng kapwa aktor na si Aj Raval sa bahay nito sa pampanga.
Matatandaan ipinagtanggol ito ni Barbie at sinabing magkasama ang dalawa para sa isang movie shooting.
Pagbibigay-diin ng aktres, natural na sa kanya ang ipagtanggol ang mga mahal niya sa buhay mula sa samu’t saring issue at pamba-bash.
Nilinaw naman ni Barbie na naresolba na niya ang anumang hidwaan sa pagitan nito, ni Aj at Xian. —sa panulat ni Hannah Oledan