Sasama na rin sa strike sa Catalonia sa España ang Barcelona.
Kasunod ito ng marahas na crackdown ng pulisya sa referendum sa Catalonia hinggil sa tuluyang pagkalas nito bilang bahagi ng España.
Una nang napaulat na mayorya ang bumuto na tuluyang maihiwalay na ang Catalonia sa España.
Dahil sa paglahok ng Barcelona sa strike, inihayag ng FC Barcelona na sarado muna sila at walang sinuman sa kanilang professional o youth team ang magsasanay para sa mga araw na kalahok sila sa strike.
—-