Muntikan nang sumadsad ang isang barge ang seawall sa Roxas Boulevard dahil sa matinding hampas ng alon dulot ng bagyong Lando.
Hindi pa rin naaalis at nakalutang pa rin malapit sa seawall ang nasabing barge na nanggaling ng Indonesia subalit hindi pa malinaw kung saan ito dadalhin.
Puno ng coal o uling ang AZ Shanghai Barge na una nang tinangkang hilahin ng isang tugboat.
Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesman Commander Armand Balilo, nananatili sa loob ng barge ang mga crew members nito dahil hindi pa nila ito malapitan samantalang ligtas ang 10 crew members ng tugboat.
“Hindi pa puwede, nakasadsad naman ito ang gagawin ay naka stand by na yung tugboat na hahatak pero bago yun ay kailangan munang magkaroon ng inspeksyon sa ilalim niyan, kasi baka kapag hinatak ito mapunit yung ilalim at matapon ang coal yun naman ang iniingatan natin, kapag gumanda ang panahon, we will conduct inspection.” Pahayag ni Balilo.
By Judith Larino | Aya Yupangco (Patrol 5)