Ipinasusuko ng Philippine National Police o PNP ang baril ng mga bodyguards ng napatay na Mayor Antonio Halili ng Tanauan Batangas.
Ayon kay Chief Superintendent Edward Carranza, hepe ng PNP-Calabarzon, nais nilang malaman kung may mga dokumento ang gamit na armas ng security ni Halili.
Sinabi ni Carranza na kahit ang mga security personnel ng mga opisyal ng pamahalaan ay hindi puwedeng magdala ng armas na walang kaukulang dokumento.
Una rito, sinabi ng Special Investigation Task Group na posibleng inside job ang pagkakapatay kay Mayor.
Bihira anilang dumalo sa flag raising ceremony si Halili kaya’t posibleng mayroong nagbigay ng tip sa gunman na present si Mayor noong araw na ‘yun.
—-