Nagsagawa ng pagpa-patrol ang isang US aircraft carrier strike group sa South China Sea.
Ito ang inanunsiyo ng Estados Unidos ilang araw matapos magbabala ang China na hindi dapat hinahamon ng Washington ang kanilang soberenya sa rehiyon.
Ayon sa statement ng US Navy, routine operations ang ginawa ng USS Carl Vinson Aircraft Carrier Group sa naturang lugar.
Nilinaw din ni Strike Group Commander Rear Admiral James Kilby na layunin ng pagpapatrol na ipakita ang kanilang kapabilidad o kakayahan habang pinatitibay ang matatag na ugnayan sa mga kaalyado sa Indo-Asia-Pacific Region.
Muli namang nanawagan sa Amerika ang China na igalang ang mga hakbang ng mga bansa sa rehiyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa South China Sea.
By Jelbert Perdez