Muli na namang uminit ang tensyon sa pagitan ng China at Amerika makaraang maglayag ang isang US Navy Destroyer sa pinag-aagawang South China Sea nitong Biyernes
Kinumpirma ng isang US official na tumangging magpakilala, bahagi aniya ng paggigiit ng freedom of navigation sa naturang karagatan ang paglalayag na iyon ng barkong pandigma ng Amerika.
Ayon pa sa naturang opisyal, tila dumikit pa ang barkong pandigma ng Amerika sa Mischief Reef kung saan itinayo ng China ang kanilang artipisyal na isla sa lugar.
Mariing tinututulan ng Amerika ang paghihigpit ng China sa paglalayag ng mga barko sa nasabing karagatan dahil sa umiiral na freedom of navigation sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.
—-