Kinumpirma ng Department of National Defense (DND) ang pagharang ng Chinese coastguard sa tatlong Philippine civilian vessels na magdadala sana ng supply sa mga tauhan ng militar sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Ang BRP Sierra Madre ay nagsisilbing outpost ng Philippine Navy sa nasabing teritoryo ng bansa.
Ayon kay Defense Undersecretary Cardozo Luna ang insidente ay nangyari noong May 14 kung saan dinikitan ng barko ng China ang mga nasabing civilian vessels sa layong 1, 600 yards lamang.
Sinabi ni Luna na naka dokumento ang lahat ng mga pangyayari sa West Philippine Sea na kinasasangkutan ng mga barko ng claimant countries.