Kinumpirma ng Chinese Foreign Ministry na nakaalis na ang kanilang mga vessel sa Quirino o Jackson Atoll malapit sa Palawan.
Ito’y sa kabila ng ulat na sinakop na ng China ang atoll na bahagi ng pinag-aagawang Spratly Islands.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesman Hong Lei, nagpadala sila ng barko para tumulong na alisin ang na-stranded na vessel ng mga mangingisdang Pinoy dahil maaaring makaabala ito sa paglalayag at makasira pa sa yamang dagat.
Kasabay nito, muling nanindigan ang China na bahagi ng Nansha Island na kanilang teritoryo ang nakakasakop sa Quirino Atoll.
By Rianne Briones | Drew Nacino