Darating sa Pilipinas ang isang barkong pandigma ng French Navy ngayong araw para sa isang goodwill visit.
Nakatakdang dumaong sa Pier 15 sa South Harbor Manila ang French Navy Ship Vendemiarei na may lulang isang helicopter ngayong alas-8:00 ng umaga at tatagal sa bansa hanggang Marso.
Ang nasabing barko ay isang Floreal-Classlight surveillance frigate ng French Navy sa ilalim ni Commander Alexander Blonce.
Maghahandog naman ng customary welcome ceremony ang Philippine Navy na susundan ng port briefing tungkol sa seguridad at kalusugan sa loob mismo ng nasabing barko ng France.
—-