Dumaong sa bansa ang tank landing ship ng bansang Japan kaninang umaga para sa tatlong araw na goodwill visit.
Mananatili mula Abril 26-28 ang Japanese ship Osumi ng Japan Maritime Self Defense Force sa Pier 15 ng South Harbor Manila.
Ayon sa Philippine Navy, ang pagbisita ay pinamunuan ni Commander of Landing Ship Division One Captain Tomonori Kobayashi at Commanding Officer Captain Yuji Horikawa kasama ang mahigit isang daang (100) mga tripulante.
Gaya ng nakagawian, isang welcome ceremony sa ang inihandog Japanese ship Osumi na sinundan naman ng security at health briefing.
Magugunitang, noong Abril 13 dumating din sa bansa ang Japanese destroyer Akizuki para rin sa tatlong araw na goodwill visit.
—-