Kargado na ng higit dalawang daang (200) toneladong relief goods ang pinakamalaking barko ng PH Navy na BRP Tarlac.
Ayon kay Navy Public Affairs Office Chief Col. Lued Lincuna, bibiyahe ito patungong Tacloban para magbigay ayuda sa mga nasalanta ng bagyong Urduja.
Laman ng barko ang mga pagkain, gamot, kulambo, banig, solar lamp at hygiene kits.
Maglalayag aniya ito oras na gumanda na ang kondisyon ng karagatan patungong Visayas.
LOOK: Soldiers load 220 tons of assorted relief items into the AFP’s largest vessel, BRP Tarlac, which is bound for Tacloban for the victims of Typhoon Urduja @dwiz882 pic.twitter.com/b5d6xMc1eJ
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) December 22, 2017
—-