Hinarang ng Malaysia ang pagpasok ng isang barko ng North Korea sa kanilang pantalan sa Penang.
Ang barkong Kum Ya ay may dalang mahigit sa anim na libong (6,000) toneladang uling.
Ayon kay Deputy General for Operations Zulkifli Abu Bakar ng Malaysian Maritime Enforcement Agency, ito ay dahil posibleng lumabag ang barko sa sanction ng UN o United Nations.
Sa huli ay pinayagan na rin itong makadaong matapos inspeksyunin kasama ang mga armadong escort.
Disyembre ng nakaraang taon nang magpataw ang UN Security Council ng restriksyon sa pag-iexport ng uling mula sa North Korea kasabay ng paghimok na paigtingin ang pagsusuri sa mga barko nito.
Matatandaang nagkalamat din ang relasyon ng Malaysia at North Korea matapos ang assassination sa half-brother ni North Korean Leader Kim Jong Un noong Pebrero.
By Krista de Dios