Nakatakda nang bumiyahe ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na BRP Melchora Aquino at BRP Gabriela silang ngayong araw.
Ito’y para mag-abot ng mga relief goods at iba pang tulong para sa mga tinamaan ng bagyong Paeng.
Sinabi ni PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, tutungo sa Visayas ang kanilang dalawang barko kung saan dala nito ang nasa 10,000 family food packs mula sa DSWD, PCG Auxilliary at sa pribadong sektor.
Kabilang dito ang mga delata, mga inuming tubig, hygiene kits, blankets at iba pa.