Inihayag ni Philippine Ambassador to United States, Jose Manuel Romualdez na madaragdagan pa ang mga sasakyang pandagat ng Estados Unidos na magtutungo sa South China Sea.
Sa isang pahayag, sinabi ni Romualdez na ang mga sasakyang ito ng Estados Unidos ay i-dineploy para mapanatili ang ‘freedom of navigation’ sa pinag-aagawang teritoryo.
Giit nito, patunay lang ang hakbang na Estados Unidos na ‘freedom of navigation’ na ang anumang uri ng sasakyang pandagat na pag-aari ng iba’t-ibang mga bansa ay may karapatan na dumaan dito nang hindi hina-harass ng sinumang mga bansa.
Nauna rito, nakita sa bahagi ng Julian Felipe Reef ang daan-daang Chinese militia vessels na malinaw na panghihimasok ng China sa ating teritoryo.