Dumating na sa Pier 13 sa South Harbor, Manila ang dalawang pampasaherong barko na gagamitin bilang mga quarantine ships.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commodore Armand Balilo, ang dalawang barko ay inialok mismo ng private shipping company na 2Go Travel sa pamahalaan.
Sinabi ni Balilo, isasailalim ito sa inspeksyon at pagsusuri ng Department of Health (DOH), Bureau of Quarantine, at PCG medical personnel bago magamit bilang mga quarantine facilities.
Batay sa bulletin ng Department of Transportation (DOTr), kaya ng dalawang nabanggit na pampasaherong barko ang tumaggap ng aabot sa 1,500 mga pasyente.
Inaasahan din anilang masisimulan na itong gamitin ngayong linggo.
Una nang inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID) ang plano ng DPTr at PCG na gumamit ng mga barko para gawing quarantine facilities ng mga person under monitoring (PUM’s) partikular ang ililikas na OFW’s.