Naglayag ang isang US Navy Warship malapit sa bahagi ng artifical islands na itinayo ng China sa South China Sea.
Sa ulat na lumabas sa Reuters, tinukoy na nagsagawa ng freedom of navigation operation ang USS John S. McCain malapit sa Mischief Reef sa Spratlys Island.
Pinalagan naman ng China ang ginawang ito ng Amerika.
Ayon sa China Foreign Ministry, malinaw na paglabag sa international at Chinese Law ang ginawang panghihimasok ng Amerika sa kanilang teritoryo.
Seryoso anilang naapektuhan nito ang soberenya at seguridad ng Beijing.
Dahil dito, handa ang China na dalhin ang isyu sa Amerika.
By Rianne Briones