Tanging mga barkong pangisda lamang at hindi maritime militia vessels ang napadpad sa Julia Felipe Reef ng West Philippine Sea na sakop ng Exclusive Economic Zone ng bansa.
Binigyang diin ito ng Chinese Embassy matapos igiit na sumilong lamang sa nasabing bahura ang 220 barko dahil sa masamang kondisyon ng karagatan.
Sinabi ng Chinese Embassy na dapat kalmadong tugunan ang nasabing sitwasyon at hindi makakatulong ang anumang ispekulasyon sa usapin.
Iginiit ng Chinese Embassy na bahagi ng Nansha Qundao nito ang Julian Felipe Reef kung saan ilang taon na ring may mga mamamayan silang nangingingisda.