Isinagawa ng mga ministro, local educational institutions at educators sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang kauna-unahang BARMM Education Summit sa Davao City.
Layunin nitong talakayin ang mga paraan upang magamit ang edukasyon bilang tagapagtaguyod ng kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.
Pinasinayaan naman ito ni Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE) Chief Mohager Iqbal at ng iba pang ministro.
Sa kanya namang video message, umaasa si BARMM Chief Ahod Ebrahimna ang unang Education Summit ay magiging isang mahalagang paraan upang bumuo at muling itaguyod ang bansa. —sa panulat ni Hannah Oledan