Umaasa ang mga senador na mapaplantsa na ang gusot sa pagitan ng mga namumuno sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ito’y ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ay matapos mabigo ang Malakaniyang na resolbahin ang usapin ng pagpapaliban sa BARMM elections sa susunod na taon.
Ayon kay Zubiri, pumagitna kasi ang Pangulo sa kanilang naging pulong kamakalawa lalo’t at ipinunto lang niya ang magkabilang punto.
Sa panig naman ni Sen. Francis Tolentino na chairman ng senate committee on local government, mahihirapang umusad ang eleksyon sa barmm dahil hindi pa naipapasa ang electoral code nito.
Ang Bangsamoro Transition Commission (BTC) aniya ang dapat na bumabalangkas nito subalit hindi kakayanin lalo’t 100 araw na lamang at magbubukas na ang paghahain ng kandidatura.