Nag-isyu ng inclusive ruling sa pagpapatupad ng kanilang bersyon ng reproductive health and family planning programs ang Regional Darul Ifta o Islamic House of Opinion na siyang paiiralin sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ang health programs sa ngayon para sa BARMM ay nasa ilalim na ng turo ng Islam matapos magpalabas ang Darul Ifta ng tinatawag na ‘fatwa’ o Islamic Ruling hinggil sa reproductive health at family planning, kabilang na ang expanded program o immunization.
Kasunod na rin ito ng serye ng public consultations na isinagawa ng Ministry of Health-BARMM sa buong rehiyon.
Ayon kay BARMM Health Minister Dr. Safrullah Dipatuan ang ‘fatwa’ ay arabic term on Islamic ruling na kailangang sundin ng bawat muslim.
Sinabi naman ni BARMM Chief Minister Ahod Murad Ebrahim na nais niyang masiguro na ang bawat pamilyang muslim ay magkaruon ng laya na gusto nilang matamasa.
Bukod sa fatwa ipinakilala rin ng MOH ang pinalawig na mga programa sa pagba bakuna.