Nagsagawa ng budget forum ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang ipaliwanag ang mga nararapat na ihanda, prayoridad ng programa, at iba pang usapin.
Sa “2021 Bangsamoro Budget Call”, pinaalalahanan ng Ministry of Finance, Budget, and Management (MFBM) ng BARMM ang lahat ng kanilang sangay at ahensya na planuhin ang kanilang badyet alinsunod na rin sa eight development goals ng Bangsamoro Development Plan (BDP).
Ayon kay BARMM Interim Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim, mahalagang maibigay sa taumbayan ang kanilang kailangan base sa kanilang pangangailangan, tamang proseso sa pagbabadyet, tamang paggastos at tiyakin na ito ay maramdaman ng lahat.
Matatandaang pinaboran na ng 80-member Bangsamoro Transition Authority ang BDP para sa 2020 hanggang 2022.