Patuloy na nakakapagtala ng mababang enrollment rate ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, Chairperson ng Senate Basic Education Committee, nangyari ito noong 2012 hanggang 2013 na may 744, 872 enrollees, at 2020 hanggang 2021 na may 596, 060 enrollees.
Malayo ang tala ng kalapit na lugar ng BARMM sa umaabot sa mahigit 1 milyon ang nagpapatala.
Bilang solusyon, tiniyak ni Education Undersecretary Epimaco Densing na ginagawa nila ang lahat upang mahikayat ang mga magulang sa barmm na i-enroll na ang kanilang mga anak lalo’t pasukan na sa Lunes.