Nakatanggap ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM ng 6 milyong doses ng Johnson & Johnson vaccines at P162 million na halaga ng bigas na donasyon mula Japan.
Ayon kay Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr., napaulat na mababa ang vaccination turnout sa BARMM kung kaya’t dinagdagan ang alokasyon ng bakuna sa rehiyon.
Nagpasalamat naman ang pamahalaang panlalawigan sa Japanese government, gayundin sa gobyerno dahil sa mga naturang donasyon.