Nangangailangan na ng karagdagang suplay ng oxygen ang Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) sa gitna ng pagtaas ng bilang ng mga na-oospital dahil sa COVID-19.
Sa isang pahayag, sinabi ni barmm Health Minister Dr. Bashary Latiph, pati ang kanilang mga supplier ay nagkukulang na rin sa mga oxygen.
Kabilang ani Dr. Latiph sa mga nangangailangan ng oxygen supply ay ang mga lugar na kinabibilangan ng Marawi City, Lanao Del Sur, maging ang amai pakpak medical center na sa ngayon at umaabot na sa higit isandaang ang bilang na mga nai-aadmit na may kaugnayan sa COVID-19.
Bukod dito, kailangan din ng rehiyon ng suplay ng anti-inflammatory drug na Tocilizumab.
Sa kabila nito, iginiit ni Dr. Latiph na ang mga COVID-19 patient na ito ay pawang mga may mild at moderate cases lamang.
Samantala, patuloy naman ang pagtatayo ng mga molecular biology sa rehiyon para mapataas pa ang testing capacity nito.