Nasurpresa si Interim Chief Minister Ebrahim Murad ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa galit na ipinakita ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. nang magtungo sya sa Turkey noong nakaraang buwan, Disyembre.
Sa kanyang tweet, sinabi ni Locsin na maghahain sya ng diplomatic protest laban sa Turkey subalit binura rin nya ang nasabing tweet kalaunan.
Ayon kay Murad, mayroon syang permiso mula sa Tanggapan ng Pangulo para magtungo sa Turkey kung saan may imbitasyon sya para dumalo sa isang conference.
Sa ilalim anya ng batas na bumuo sa BARMM, kinakailangan lamang nyang humingi ng travel permit sa Tanggapan ng Pangulo kapag bibiyahe sa ibang bansa.
Sinabi ni Murad na wala syang makitang masama sa pakikipagpulong nya sa mga opisyal ng Turkey dahil naging malaki rin ang papel ng nasabing bansa sa peace negotiations ng Moro Islamic Liberation Front sa pamahalaan.
Bahagi rin anya ng Turkey sa mahigit p4-bilyong investments na nakuha ng BARMM noong nakaraang taon.