Itutuon ng gobyerno ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at ilang “inaccessible areas” sa pagpapalawig ng ikatlong bugso ng ‘Bayanihan, Bakunahan’ program.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) secretary Eduardo Año, nasa 30% pa lamang ang vaccination rate sa BARMM kung saan ito ang pinakamababa sa lahat ng rehiyon sa bansa.
Dagdag pa niya kailangan ding matutukan sa pagbabakuna ang mga residente ng mga probinsya na nasa malalayong lugar kabilang ang mga bulubundukin at mga laylayan.
Bukod sa geographical location, ipinaliwanag din niya na ang sanhi ng mababang vaccination result sa nasabing rehiyon ay ang conflict sa iskedyul sa trabaho ng mga residente.—sa panulat ni Airiam Sancho
Samantala,tiniyak ni año na tatanggap sila ng mga walk-in sa vaccination sites.