Tanging ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) lamang sa buong bansa ang wala pang naitatalang kaso ng Delta variant ng Coronavirus.
Ayon ito kay Dr. Alethea de Guzman, Director ng DOH Epidemiology Bureau ay bagamat hindi nangangahulugang hindi pa nakaabot sa BARMM ang mabagsik na strain ng COVID-19 lalo pat kakaunti pa lamang ang sample na nakukuha nila sa nasabing rehiyon.
Kasabay nito, nilinaw ni de Guzman na mahirap magdeklara ng community transmission ng Delta variant sa buong bansa dahil magkakaiba ang profile ng kada rehiyon na nakakapagtala ng kaso nito kayat pinag aaralan pa nila ito.
Tulad na lamang aniya sa Delta cases sa NCR at Calabarzon na hindi magkakaugnay dahil nanggaling ang mga ito sa ibat ibang lugar.