Ginising ng mga pulis alas-3:00 kaninang madaling araw ang aktor na si Baron Geisler.
Kinapkapan ng mga awtoridad ang aktor matapos makatanggap ng impormasyong may itinatago itong illegal drugs.
Wala namang nakuhang illegal drugs ang mga pulis kay Geisler na tumanggi nang magpa-interview sa media.
Mahigpit na itinanggi ng aktor na may itinatago siyang shabu at handa aniya siyang sumalang sa drug test.
Umaasa naman ang pamilya ni Geisler na makakalabas na ito ng kulungan ngayong araw na ito bagamat hindi pa anila sila nasabihan kung magkano ang piyansa ng aktor.
—-