Kitang-kita sa uploaded video sa Facebook ng isang Wilbert Brandon Travis ang pagwawala ng tila naka-inom na si Baron Geisler sa labas ng isang bar sa Tomas Morato sa Quezon City.
Gayunman, hindi matukoy sa video kung sino ang kaaway ni Baron ngunit maririnig ang pagmumura nito at tinawag pang bakla ang kaalitan.
Ayon sa nag-video na si Wilbert, hindi naman daw kasalanan ni Baron at normal lang ang naging reaksyon ng aktor.
Sa kanyang kaalaman, may bigla na lamang umanong sumuntok kay Baron sa ulo at bigla rin itong nilayasan.
Bigo umanong makaganti ang walang kamalay-malay na si Baron.
Agad namang kumilos ang security ng bar upang pahupain ang nagwawalang si Baron.
Matatandaang nito lamang May 26 nang masangkot din si Baron sa gulo kung saan ay nakasuntukan nito ang Indie actor na si Kiko Matos.
By Ralph Obina