Madugong laban.
Ito ang tiniyak ng aktor na si Baron Geisler sa nakaplanong Mixed Martial Arts match nila ng naka-alitang Indie actor na si Kiko Matos.
Ayon kay Baron, naka-focus siya ngayon sa kanyang training at sa katunayan ay binawasan na niya ang paninigarilyo upang hindi kapusin sa hinhintay niyang bakbakan.
Sa ngayon ay may kontrata na aniya para sa naturang laban na nakatakda pa lamang nilang lagdaan ni Kiko.
Matatandaang naging viral ang suntukan nina Baron at Kiko sa isang bar sa Quezon City kayat nagpasya ang universal reality combat championship na tapusin ang laban ng dalawang artista sa pamamagitan ng isang cage fight.
By Ralph Obina