Pinatitiyak ng isang kongresista sa Department of Budget and Management (DBM) ang sapat ang pondo para sa mga pabahay.
Ayon kay House Assistant Majority Leader Julienne Baronda, nakababahala na ang patuloy na pagtaas ng mga informal settlers sa bansa.
Dagdag pa ng kongresista umaabot na raw sa 5.7 million ang housing backlogs mula 2011 hanggang taong 2016.
Kailangan nang magpatayo ng higit 2,000 housing unit kada araw para masolusyonan ang back log.
Siniguro naman ni Budget Acting Secretary Wendel Avisado na mayroong sapat at tumaas pa ang pondo sa pabahay base sa general appropriations act ng taong 2020.