Hindi na oobligahin ng Department of Transportation ang mga tsuper ng pampasaherong jeep na maglagay ng barrier sa pagitan ng bawat pasahero.
Ito’y dahil wala namang medical findings sa kanilang pag-aaral na nakatutulong ang naturang konsepto para maiwasan ang pagkalat ng virus.
Sa kabila nito, nilinaw ng DOTr na paiigtingin nila ang pagpapatupad ng health safety protocols sa lahat ng pampublikong sasakyan.
Matatandaan na nuong Hulyo nakaraang taon ay pinayagan nang magbalik pasada ang mga jeep at bus ngunit inobliga ang mga ito noon na maglagay ng plastic barrier.
Ngunit ilang buwan ang nakalipas ay nilinaw ng LTFRB na walang inilabas na ganitong polisiya mula sa ahensya ng DOTr na nag-obliga sa paglalagay ng naturang barrier.