Aprubado na ng National Task Force on COVID-19 ang barriers na gagamitin sa mga motorsiklo.
Para sa mga backriding couples, puwede na ang harang na gawa sa manipis na plastic.
Pero nilinaw ni NTF- COVID-19 Chairman Delfin Lorenzana na tanging mag-asawa, common law couple at live in partners ang pinayagan nilang umangkas sa motorsiklo
Samantala, iba naman ang disenyo para sa mga motorcycle taxis tulad ng Angkas.
Gawa ito sa mas makapal na plastic na tulad ng ginagamit sa mga containers.