Nagbabala ang grupo ng mechanical engineers laban sa paggamit ng barriers o harang sa motorsiklo.
Matatandaan na pinayagan na ng pamahalaan ang pag-angkas sa motorsiklo ng mag asawa kung lalagyan ng barrier o harang ang pagitan ng driver at angkas nito.
Sa position paper na isinumite ng Philippine society of mechanical engineers, maaaring disgrasya sa halip na proteksyon ang makuha sa barrier.
Maaari anilang makompromiso ang stability ng motorsiklo dahil sa barrier bukod sa hindi naman sigurado na epektibo itong proteksyon para hindi umabot sa rider at angkas nito ang air particles mula sa isa’t-isa.
Maliban dito, sinabi ng grupo na mas malaki ang magagastos sa gasolina dahil sa mas mataas na air resistance sa motorsiklong may barrier kapag tumatakbo ito.