Pinaglalatag ni Senador Christoper Bong Go sa Department of Trade and Industry (DTI) ng alternatibong paaraan kung saan maaaring magsagawa ng barter o palitan ng produkto.
Ito’y makaraang igiit ng senador na walang mali at hindi naman iligal ang barter trading lalo’t kung ito ay para sa personal na transaksyon.
Kasunod nito, pinalilinaw din ni go sa DTI na linawing maigi sa publiko ang mga patakaran sa barter trade upang hindi na magkaroon ng kalituhan at pagkakamali.
Sa panahong ito, sinabi ni go na maganda ang layunin ng barter trade na itinuturing na alternatibong paraan para makagaan sa pasakit ng mamamayan dahil sa COVID-19 pandemic.