Balak ng Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang barter trade sa Jolo, Sulu.
Ayon sa Pangulo, walang kaguluhan noon sa Jolo noong mayroon pang barter trade.
Ipinaliwanag ng Pangulo na gutom at kahirapan ang nagtulak sa mga rebelde na umatake at maghasik ng karahasan.
Dahil dito, plano ng Pangulo na kausapin ukol dito sina BIR o Bureau of Internal Revenue Commissioner Caesar Dulay, NEDA o National Economic Development Authority Secretary Ernesto Pernia at Finance Secretary Sonny Dominguez.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Peace in Mindanao
Samantala, pagdedeklara ng Martial Law ang nakikitang solusyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para resolbahin ang lahat ng problema sa Mindanao.
Ayon sa Pangulo sa oras na magdeklara siya ng batas militar ay kanyang tatapusin ang terorismo, problema sa iligal na droga at pamamayagpag ng mga war lords sa Mindanao.
Kayat babala ng Pangulo, huwag siyang bigyan ng dahilan ng mga taga-Mindanao para magdeklara ng Martial Law.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Ralph Obina