Maagang nagsimula ang Watah Watah Festival sa San Juan bilang bahagi ng kanilang pagdiriwang sa kapistahan ni St. John The Baptist.
Pagkatapos ng misa sa San Juan The Baptist Church ay nagsimula na mambasa ang mga residente sa mga motorista.
Pansamantala din isinara ang ilang pangunahing kalsada sa lungsod, kasama na ang N. Domingo, Pinaglabanan, F. Blummentrit, F. Roman at ang bahagi ng Aurora Boulevard.
By Katrina Valle | Jopel Pelenio (Patrol 17)