Nakahanda na di umano ang tatlo (3) sa mga istrakturang inilagay ng China sa pinagtatalunang bahagi ng South China Sea para sa deployment ng mga gamit pandigma.
Tinukoy ng AMTI o Asia Maritime Transparency Initiative ang mga inilagay na tila base militar ng China sa Fiery Cross Reef na nasa Spratly Islands, Subi at Mischief Reef.
Ayon sa AMTI, batay sa ginawa nilang pag-analisa sa mga satellite photographs, halos kumpleto na ang naval, air, radar at defensive facilities sa tatlong base militar ng China sa South China Sea.
Umaabot na anila sa labing dalawa (12) ang istraktura sa Fiery Cross Reef at ilan dito ang may retractable na bubong na puwedeng paglagyan ng missile launchers.
Sinabi ng AMTI na anumang oras sa susunod na mga araw ay maaaring mag-deploy na sa Spratlys ang China ng military assets kabilang na ang combat aircraft at mobile missile launchers.
By Len Aguirre
‘Base militar’ ng China sa South China Sea nakahanda na was last modified: June 30th, 2017 by DWIZ 882