Ibinabala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibilidad na maipit ng Amerika ang Pilipinas sakaling sumiklab ang isang digmaan.
Ito ang inihayag ng pangulo sa kaniyang ulat sa bayan nuong Lunes makaraang ibunyag nito na tila ginagawang base militar muli ng amerika ang Subic sa Zambales.
Ayon sa pangulo, batay sa mga natatanggap niyang ulat mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), nag-iimbak na naman ng kanilang armas ang amerika sa nasabing lugar
Ginawa ng pangulo ang pahayag bilang tugon sa mga batikos hinggil sa kaniyang paniningil sa Amerika na batayan ang Pilipinas kung nais nitong mapanatili ang Visiting Forces Agreement (VFA).
Ang VFA ay ang kasunduan na naglalayong palakasin ang ugnayan sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano sa pamamagitan ng mga pagsasanay.