Ipipresenta na ng Department of Education (DepEd) ang kanilang Basic Education Report (BER) sa Enero 30.
Layon ng BER 2023 na ipakita ang kalagayan ng basic education sa bansa, maging ang mga plano at inisyatibo ng kagawaran.
Target din ng DepEd na magbigay ng mas malawak na ulat hinggil sa education sector, maglunsad ng education agenda at magbigay ng update sa nagpapatuloy na review ng K-to-12 curriculum.
Samantala, sinabi ni Malacañan Press Briefer Daphne Paez na inilahad ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga plano nito para sa inclusive learning, pagsuporta sa mga guro at pagpapabuti ng curriculum. —sa panulat ni Hannah Oledan