Binuhay ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang basic helicopter pilot training (BHPT) matapos itong mawala ng ilang dekada para tutukan ang pagsasanay ng Special Action Force (SAF) air unit personnel.
Sa isang graduation ceremony, binati nina PNP chief Gen. Archie Gamboa at SAF director Maj. Gen. Amando Clifton Empiso ang mga nagsipagtapos mula BHPT Class of 2019 sa PNP-SAF Air Unit Hangar sa Pasay City.
Sinabi naman ni Empiso na ang mga bagong graduates ay sasanayin para maging pilots-in-command ng mga sasakyang panghimpapawid ng pamahalaan.