Magdodoble-kayod ang Senado at Kongreso upang maipasa ang Basic Law for the Bangsamoro Autonomous Region o BLBAR bago matapos ang buwang kasalukuyan.
Ayon kay Senate President Franklin Drilon, tatalakayin ang BLBAR sa mga sesyon mula Lunes hanggang Miyerkules.
Giit ni Drilon, hindi na kailangang gayahin ang mga sesyon ng Kongreso na idinaraos tuwing Huwebes at Biyernes.
Paliwanag pa ng Senador, sa meeting ng lower at upper house kamakalawa ay napagkasunduan na gawing prioridad ang BLBAR at 2016 national budget.
By Jelbert Perdez