Posibleng hindi na makayanan ng mga Pilipino ang basic needs sa unang kwarter ng taong 2023.
Batay sa isinagawang “Executive Summary Pahayag 2022 End of the Year Survey” ng Independent Pollster Publicus Asia, 17% ng Pinoy ang nangangamba na baka hindi nila makayanan ang mas mahal na gastusin sa susunod na taon.
Nabatid na 14% sa mga respondents ang nagpakita ng pangamba kaugnay sa mga hirap makahanap ng trabaho.
Sa naturang survey, nakakuha ng 12% boto ang mga nawalan o natanggal sa trabaho at mga hindi nabayaran ng tamang pasahod ng kanilang mga employer.
Nasa 6% hanggang 9% boto naman ang nakuha ng mga nagkaroon ng seryosong sakit at hindi makakakuha ng health services.
Bukod pa dito, naitala naman ang 20% na suporta mula sa mga respondent na nagsasabing dapat na mas matutukan ni Pangulong Bongbong Marcos ang ekonomiya ng bansa partikular na ang mahahalagang isyu na kinakaharap ngayon ng mga Pilipino partikular na ang inflation na nakakuha naman ng 6%.