Itinututuring na ngayon na person under monitoring (PUM) si Presidential Son Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte.
Ayon sa kaniyang kapatid na si Davao City Mayor Sara Duterte, nakitaan kasi si Baste ng sintomas ng pagkakaroon ng COVID-19.
Nakakaranas aniya ngayon si Baste ng lagnat, ubo at sore throat kaya’t sa ngayon ay naka home quarantine umano ito.
Apat na linggo ang nakaraan nasa Maynila umano si Baste.