Problema pa rin ng mga taga-Bamban, Capas, Tarlac ang basurang itinambak sa kanila mula sa bansang Canada.
Ito ang inihayag sa DWIZ ni Tarlac City Mayor Ace Manalang dahil sa patuloy na kawalang aksiyon ng gobyerno para alisin sa kanilang lugar ang mga nabubulok na basura.
Ayon sa alkalde, mismong ang bise-gobernador ng Tarlac ay hindi sinusuportahan ng national government sa kabila ng panawagang alisin sa Tarlac ang mga itinambak na basura.
Hindi masabi ni Manalang kung may kumita ba sa pagtatapon ng basura sa kanilang lalawigan dahil mayroong ipinasang resolusyon para pigilan ang mga imported na basura .
“Nagtataka ako kung anong ginagawang aksyon ng mga nakatataas sa atin, hanggang ngayon nandyan pa ang basura. Ang dami na ngang basura sa Pilipinas, ang dami na ngang basura sa Tarlac, bakit pagtatapunan pa ng basura?”
By: Aileen Taliping (Patrol 23) | Todong Nationwide Talakayan