Tinangay ng alon sa Manila Bay ang mga basura mula sa Baywalk kaninang umaga.
Kasunod na rin ito ng magdamag na pag-ulan dulot ng southwest monsoon o habagat.
Kaagad namang kumilos ang mga tauhan ng Manila Department of Public Services (DPS) para hakutin ang mga nasabing basura na tinangay ng alon.