Mga basurang nakabara sa kanal ang isa sa naging sanhi ng pagbaha sa maraming lugar sa Metro Manila.
Ito ay ayon sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.
Sinabi ni Mike Salalima Chief of Staff ng MMDA, kasamang nahihigop ng kanilang mga pumping station ang mga basurang inaanod ng baha kaya’t nakaapekto rin ito sa kanilang operasyon.
Samantala, umabot na sa walumpung toneladang basura ang nahakot sa kahabaan ng Manila Bay sa Roxas Boulevard na dala ng paghampas ng malalakas na alon nitong weekend bunsod ng habagat.
Ayon sa MMDA, mula pa nuong sabado ay dalawampu’t pitong trak na ang kanilang nahahakot na basura at inaasahang madadagdagan pa sa pagpapatuloy ng clean-up operation.
Umabot naman sa tatlumpung garbage trak ang ginamit sa paghahakot ng basura sa Marikina City makaraang humupa ang baha.
Ayon sa environmental office ng lungsod, higit dalawang libong toneladang basura ang nakolekta nila kahapon na katumbas umano ng isang linggong paghahakot.